Kishore Kumar Hits

Happy Three Friends - Itim Na Mahika şarkı sözleri

Sanatçı: Happy Three Friends

albüm: Sanib at Pwersa


Biglang naniwala sa mga bagay na hindi mapaliwanag
Siguradong-sigurado ako kasi ito lang ang naaaninag
Nakasarado na pinto, bubuksan na'ng aking susi
At 'pag nagbukas ito, hinding-hindi na magsisisi
Tila 'di mawari sa hiraya na ito ay totoo pala
Mahika
Parang hindi totoo, pero ramdam ko siya
Mahika
Isang panaginip na hindi matatapos na ligaya

Binuksan ang aking pagkatao
Iba't ibang uri at anyo ang nakikita
Tila mga engkanto na nagbalat-anyo
At nagpanggap na mga anghel
Para pasukin ang aking pagkatao
Bumubulong sila kung ano ang mga dapat gawin
Nagbibigay ng mga numero't daan na dapat sundan
Para hindi maligaw, sabay pasok sa puso't isipan ko
Para sila naman ang manligaw
Makukuha ang lahat, basta sila ay sundin
Makakamit ang kagustuhan basta ang katawan ko'y kanilang aangkinin
At magiging diyos ng sanlibutan
Na ikaw lang ang makakaramdam
Kapangyarihan na ipagkakaloob sa 'yo
Espiritung mga gabay sa iyong paglalakbay
Pero, teka, ito ba'y panaginip?
Kabaliwan o ako ba'y sinasaniban?
'Tang ina, asa'n ako? Asa'n kayo?
Ito pa ba ang reyalidad?
Naririnig niyo ba 'ko? 'Pag nagmura ako nang malakas
Ay sampalin nang magising kasi putang ina
Mahika

Parang hindi totoo, pero ramdam ko siya
Mahika
Isang panaginip na hindi matatapos
Na hindi matatapos, na hindi matatapos
Na hindi matatapos, na hindi matatapos
Na hindi matatapos, na hindi matatapos
Na hindi matatapos
Dadalhin sa langit at ibabagsak sa lupa
Pagbagsak sa lupa ay idederetso sa impyerno
At do'n susubukin ang kagustuhang makabalik sa lupa
Hanggang sa makabangon muli at makalakad sa sariling mga paa

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar