Ilang beses nang bumangon Ilang beses nang nadapa Ilang beses nang nangarap nang mataas Hanggang sa madama Nakuha at nakadating Pero 'di pa rin madama Damdamin ay pinipilit-pilit Parang hindi na liligaya Siguro nga, kailangan lang sapat ang tento Nasa 'yo, gusto mo ba? Pangarapin makuntento at ligaya nitong taglay Hindi ka na sasabay, hinding-hindi ka na sasablay Palayain lang ang puso at 'di na maghihintay Kaluluwa'y maglalakbay, isip ay magiging malumanay Hanapin lang ang isang mas mataas na pangarap Na parang imposible Magugulat ka Ito na ay nangyari ♪ Pangarapin makuntento at ligaya nitong taglay Hindi ka na sasabay, hinding-hindi ka na sasablay Palayain lang ang puso at hindi na maghihintay Kaluluwa'y maglalakbay, isip ay magiging malumanay Pinangarap makuntento, lumigaya nang mataglay Hindi ako sumabay, hindi rin sumablay Mahirap pero 'di sumuko at 'di rin mananamlay Kailangan lang na mag-intay, 'wag matakot sumugal, at do'n mo makikita