Kishore Kumar Hits

End Street - Sandali Lang - Acoustic şarkı sözleri

Sanatçı: End Street

albüm: Unplugged Volume 1 (Acoustic)


Napapagod na ako sa mga sinasabi mo
'Wag ka nang magmalinis, diyan ako naiinis (hey)
Konting panahon lang naman (lang naman, lang naman) ang hinihingi ko
Bakit ba pinaparamdam mo na ako ang kalaban dito?
Bahala na, bahala ka
Saan nga ba tayo nagkamali? Ba't 'di mo 'ko bigyan ng sandali
Para ayusin 'to o may umaayos na ba sa iyo?
Kasi kung gano'n lang din naman, salamat na lang at paalam
'Di na 'to maaayos, dito na tayo nagtatapos
Nagsasaya ka na ba? Ginagawa mo lang naman akong tanga
Aminin mo na hindi ka mag-isa, sabihin mo, ano nga ba ang lasa niya?
Nakakadiri ba? Nakakadiri ka
'Di ko na lang iisipin pa
Saan nga ba tayo nagkamali? Ba't 'di mo 'ko bigyan ng sandali
Para ayusin 'to o may umaayos na ba sa iyo?
Kasi kung gano'n lang din naman, salamat na lang at paalam
'Di na 'to maaayos, dito na tayo nagtatapos
Ang pinagsisisihan ko, nagpauto ako sa 'yo
Sa isusunod mo na biktima, sana na lang ay malasin ka
Saan nga ba tayo nagkamali? Ba't 'di mo 'ko bigyan ng sandali
Para ayusin 'to o may umaayos na ba sa iyo?
Kasi kung gano'n lang din naman, salamat na lang at paalam
'Di na 'to maaayos, 'di na 'to maaayos

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar