Dakilang Manlilikha, narito po ako 'Sang pirasong lupa sa palad ng mundo Puso'y umaawit, awiting alay ko Salamat sa Inyo Salamat sa araw, sa buwan at bituin Sa hayop at halaman, sa ulan at hangin Salamat sa kaibigan at kapwa tao ko Salamat sa Inyo Bawat sandali ng buhay ay ligaya Bawat hininga ay tunay na biyaya Bawat paghihirap ay may gantimpala Dakilang Manlilikha, narito po ako 'Sang pirasong lupa sa palad ng mundo Puso'y umaawit, awiting alay ko Salamat sa Inyo Amen