Kishore Kumar Hits

Agaw Agimat - Pera şarkı sözleri

Sanatçı: Agaw Agimat

albüm: R-15


Hay nako, ngayon wala kang pera
Bukas wala ka ring pera
Sa susunod na buwan, wala ka ring pera
Sa susunod na taon, pera pa rin ang problema

Kung wala kang pera, pangit ka
Kasi ang pera, nagpapaganda
Kung malaki ang mata, mapapasingkit ng pera
Kung pango ka, tatangos kang bigla, eh

Ang pera ngayon, nasa eskwela
Ang edukasyon, negosyo na
Kung wala kang pera, pasensiya ka
Sa universities, money down muna, uh
Kung mayaman ka, 'wag mag-alala
Dahil sa pera, tatagal ka pa
Sa ospital kasi, bayad muna
Kung wala kang pera, manigas ka, uh

Buti pa ang pera, may tao
Ang taong katulad ko, walang pera
Buti pa ang pera, may tao
Ang taong katulad ko, walang pera
Pero tao ako, 'di tulad ng iba
Marami ngang pera, pero tao ba sila?
Tao ba sila?
Wala kayong pera, wala kaming pera
Wala kayong pera, lahat tayo walang pera
Wala kayong pera, wala kaming pera
Wala kayong pera, lahat tayo wala pera
Pero tao kayo, 'di tulad ng iba
Marami ngang pera, pero tao ba sila?
Tao ba sila?
Tao ba sila? Tao ba sila?
Tao ba sila? Tao ba sila?
Ang tanga nila

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar