'Wag ka nang magdasal sa Antipolo Upang humiling ng 'sang milagro Buksan ang TV, magbasa ng diyaryo Milagrong gusto mo'y mabibili mo Mayro'ng sabong naimbento Pampaputi raw ng balat mo Pwedeng pampaligo, pwedeng panlaba Pwede ring panlinis ng kaserola 'Pag ginutom ka sa paglalaba Ang sabong ito'y masarap ding imeryenda May sabon ka na Nagmemeryenda ka pa Pem-pem-pem Pe-pe-pem Pe-pe-pem Pe-pe-pem ♪ 'Wag ka nang magdasal sa Antipolo Upang humiling ng 'sang milagro Buksan ang TV, magbasa ng diyaryo Milagrong gusto mo'y mabibili mo Sandwich spread ba ang 'yong hinahanap? (May bago) lalong pinasarap Pampataba, pampatangkad Pampabilis din ng iyong lakad Sa sobrang bilis, ika'y nadapa Nasugatan ang 'yong mga hita Ang mirakol's spread na'ng bahala Spread into your hita nang hindi lumala La-la-la La-la-la La-la-la La-la-la ♪ Payong kaibigan sa gagamit nito 'Wag magpaloko sa mga produkto 'Wag gayahin itong si Mang Sixto Nagpauto, nagpauto sa 2-in-1 na lotion ng shampoo Resulta, kumintab ang ulo Tumubo sa mukha 'yung balahibo Balahibo ni Mang Sixto Tumubo sa mukha at hindi sa ulo Ngayo'y mukha na siyang isang tsonggo Tsonggong kalbo, tsonggong kalbo Kalbo, kalbo, kalbo, kalbo, kalbo, kalbo, kalbo Tsonggong kalbo