Sabihin man nilang ako ay bata pa 'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya Sa karanasan daw ako ay hilaw pa "Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila Oh-oh-oh, oh-oh-oh, oh Maaring sa isang punto, sila ay tama Maaring sa karanasan, ako ay hilaw pa nga Dahil 'di ko pa naranasang buhay ko'y itaya Dahil 'di ko pa naranasang sumagupa sa tingga Maaring kulang din ang aking pagkaunawa Sa mga suliranin ng ating bansa Maaring kulang din ang aking kaalaman Sa iba't ibang daing ng ating sambayanan Sabihin man nilang ako ay bata pa 'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya Sa karanasan daw ako ay hilaw pa "Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila Oh-oh-oh, oh-oh-oh, oh Ngunit dahil ba kulang pa'ng aking karanasan? At marami pa 'kong dapat pag-aralan? Ang pag-ibig ba nila'y 'di ko kayang pantayan? Para sa 'kin ito'y isang maling kaisipan Ang pag-ibig sa bayang kinagisnan Ay sa puso at hindi sa isip lang Ito'y nararamdaman at hindi napag-aaralan Ito'y walang kinikilalang edad kailanman Sabihin man nilang ako ay bata pa 'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya Sa karanasan daw ako ay hilaw pa "Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila Sabihin man nilang ako ay bata pa 'Di ko pa raw alam kung paanong umibig sa kanya Sa karanasan daw ako ay hilaw pa "Mag-aral ka pa," iyan ang sabi nila Oh-oh-oh, oh-oh-oh, oh