Ha, ha, porselana ♪ Nais kong makita ang ningning ng iyong mata Kaakit-akit siya, puno pa nga ng pag-asa Bakit ngayon ikaw ay umiiyak at nagluluha? Namamaga pa nga at sarado ang iyong mata May black eye ka pa nga at sabog ang kilay magkabila Sinapak ka na naman at hindi ka pa nakapapalag ♪ Ha, ha, porselana ♪ Sana'y masilayan ko, kay ginaw mong mga labi 'Pag ika'y ngumingiti, ang problema ko ay napapawi Bakit noong nakita ko, putok-putok ang bunganga mo? Pulang-pula pa nga ang ngipin ng pustiso mo Punasan ang dugo sa pisngi at sa labi mo Sinampal ka pa at walang awang nagkapasa ♪ Ha-ha, porselana ♪ Kay sarap tingnan kutis ng iyong katawan Makinis pa, walang peklat, mala-porselana Ngunit mukha yatang porselana rin ang ibinato Diyan sa utol ko, ikaw lang ang sumalo Ginulpi ka pa dahil sa pagtatanggol Sinapak ka na naman at tinadyakan ng erpats ko At ginulpi ka naman ni Ama