Labingtatlong taon, na di nagsalubong Ang init at ang pagtingin hanggang ngayon nag-aantay pa rin. Ilang araw ang nagdaan Na nais kang hagkan Ngunit di pinagtagpo Ang ginto naging tanso Dito sa 'king mga kamay Mga galos ng paghihintay Umaasa pa rin Mula sa isang halik Pero di na babalik Mahirap man tanggapin Pinilit kong tiisin Mga marka ng kawalan Sa lungkot ay tinablan Gabi gabing lumalaban Sa ala-alang di maiwan Dito sa 'king mga kamay Mga galos ng paghihintay Umaasa pa rin Di ako mapalagay Ang storyang di namamatay Humihinga pa rin Panahon lang ang makakapagsabi At di natin alam Kung bakit ba nangyari At di makaramdam Pagod ba at manhid Sa tadhanang mailap Ang nais ng kalangitan Di ko matanggap Dito sa 'king mga kamay Mga galos ng paghihintay Umaasa pa rin Di ako mapalagay Ang storyang di namamatay Humihinga pa rin Balang araw malalaman natin Kung bakit di nakamit Sa mga panaginip Tayo'y nakakapit Walang kapantay na pang-aasam Dahil panahon lamang ang tanging may alam