Kaya mo bang maging ilaw para magbigay liwanag Kaya mo bang tumulong sa tuwing may tumatawag Nais mo bang mag-iwan ng lamat sa kasaysayan At gumising sa natutulog nilang kamalayan Handang maghintay, simulan maging boses nila Kabutihan ang dalhin patungo sa dilim At ikaw ang alon na magdadala Ng sagot sa gitna ng ligalig at gulo Ang bawat kilos mo ang magwawakas Sa giyera na sila ang may gusto ♪ Handa na ba kayo Nais mo bang maging pakpak para sa 'di makalipad Nais mo bang maging mata't bibig ng pipi at bulag Tanggalin ang piring sa mata nitong lipunan Ibagsak ang mga nasa pwesto, ang makapangyarihan Handang maghintay, simulan maging boses nila Kabutihan ang dalhin patungo sa dilim At ikaw ang alon na magdadala Ng sagot sa gitna ng ligalig at gulo Ang bawat kilos mo ang magwawakas Sa giyera na sila ang may gusto Go! Sila mga sakim, sa yaman ay lasing Ang kanilang bakas, sa limot ilibing Sa matang bulag, hawak natin ang sinag Labanan ang talim patungo sa dilim ♪ H'wag nang maghintay, simulan maging boses nila Kabutihan ang dalhin patungo sa dilim H'wag nang maghintay, simulan maging boses nila Kabutihan ang dalhin patungo sa dilim