Kishore Kumar Hits

Valley of Chrome - Balang Araw şarkı sözleri

Sanatçı: Valley of Chrome

albüm: Victorious


Desperadong tunay kung tawagin nila
Mayro'n pa bang naiwang gana o debosyon
Na ituloy lahat ng pinagpaguran mo?
Sabi mo masaya ka dito, ba't mo iiwanang bigla?
Ang sisira ba ng lahat ang s'ya ring lumikha?
Papayag ka bang (papayag ka bang) mapunta lahat sa wala?
Ito'y para sa mga nangangarap pero 'di natutupad
Nawawalan ng pag-asa, kaibigan, kapit ka lang
Darating din ang umaga, ang umagang hanap mo (oh, kapit lang)

'Di mo kasalanan kung hindi nagtugma
Ang lahat ng 'yong ninanais ay may panahong takda
Pagdating ng araw na 'yon, pagdurusa mo'y mawawala
Huwag na huwag sumuko, hawak mo ang kapalaran
Puro latay at pasa, ang lungkot ay 'yong labanan
Mga tala'y luluhod sa iyong paanan
Ito'y para sa mga nangangarap pero 'di natutupad
Nawawalan ng pag-asa, kaibigan, kapit ka lang
Darating din ang umaga, ang umagang hanap mo
Ito'y para sa mga nangangarap pero 'di natutupad
Nawawalan ng pag-asa, kaibigan, kapit ka lang
Darating din ang umaga, ang umagang hanap mo

Ang iyong pag-angat, kanilang kamatayan
Oh, ang sumpa mong bumangon, ibalik sa kamalayan
'Di ka nila maaaping muli at aapakan
Para sa mga nangangarap, luluhod ang mga tala

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar