Bigo, sa umagang luhaan, Walang malugaran Pag mundo mo ay lugmok, At ikaw ang talunan Baguhin ang landas, Humarap sa liwanag Kahit umaga mo ay di mo maaninag Sabihin mo sa akin kung anong nakita mo Para bang may salamin na nakaharap sa iyo Lubog sa luha mo, Sa parusa ng tadhana Mga kamay nakagapos At tila di mo kaya Maniwala sa sarili, Subok na kakayahan Oras nang lumaban, At dapat simulan Sabihin mo sa akin kung anong nakita mo Para bang may salamin na nakaharap sa iyo Iwanan ang pagkakamali Yakapin ang bawat sandali Bumalik sa simula Ikaw, Ako, Tayong lahat Maniwala sa sarili At mga pinaglalaban Oras ay tuloy tuloy At tayo'y iiwanan Kung di magbabago, Mauuwi sa kadiliman Maging instrumento ng pagbabago Bumalik sa simula