Sa paningin nila, ikaw ay nag iisa Napapansin ang kahinaan mo Ngunit di nila alam ang lakas na iyong taglay Bakit ka naka balatkayo Bawa't lukso ng dugo, na dala ng luha mo Ang magbabanlaw sa mga sugat mo Sa dilim nagtatago dahil di nila tanggap Basagin ang imaheng mali at pagpapanggap Di ka nila gusto dahil ikaw ay totoo Dahil nagiisa kang naninindigan sa paniniwala mo Sino ba sila para ikaw ay husgahan Ang katotohanan ba ay nasaan? (nasaan?) Huwag nang maghintay Ibahin isabuhay ang istorya mo Dapat mamatay Tanggalin ang balatkayo, ang iyong maskara Merong takip ang mga mata, nabulag sa nagaganap Walang kinabukasan at wala ring hinaharap Yang galit mo, sa nakaraan, sa limot ibaon Panghihinayang at pagsisisi ang sumisira sa ngayon Asahan mong di na maibabalik Tigilan mo na ang iyong pagkukunwari (pagkukunwari) Huwag nang maghintay Ibahin isabuhay ang istorya mo Dapat mamatay Tanggalin ang balatkayo Saan? Kelan? Mo ba matatanggap ito? Na higit ka pa sa inaakala mo Huwag mong sayangin ang iyong pagkakataon Matatandaan ka nila sa paglipas ng panahon Huwag nang maghintay Ibahin isabuhay ang istorya mo Dapat mamatay Tanggalin ang balatkayo Ang lakas mong taglay, nasa sa iyo Ang kinabukasan mo Dapat mamatay, tanggalin ang balat kayo Ang iyong katapangan ang babasag (ang babasag) Ang gigising sa mga (patay ang diwa) Lipas na ang araw ng lumang pagkatao mo Kalabanin ang sarili, bago ang mundo