Dala ko kayo sa isipan Pagmamahal na walang hanggan Di na baleng masaktan basta't alam ko kayo'y nandiyan Lalo lang lumalakas, sa mata ng nang-aapi Di nila kayang tapatan, tayo pa rin ang magwawagi Alay ko, sa inyo Lalaban ako hanggang sa dulo, magbabalik ako sa piling n'yo Alam kong may hangganan 'to Ang lahat ng paghihirap ko Hapding dala ng araw, napapaso ang balat Bawat sugat ay iniinda, wala sa 'ting bibitaw Alay ko, sa inyo Lalaban ako hanggang sa dulo, magbabalik ako sa piling n'yo Alay ko, sa inyo Mga sugat ko ay maghihilom, magbabalik ako sa piling n'yo Di magpapapigil ang pangarap na dala Sa akin nakasalalay ang kinabukasan nila Lalong tumitibay alam ko sila'y nandyan Di magpapatalo sa mga hamon ninuman Magbabalik ako sa piling n'yo