Ang bugso nitong damdamin Ang bukas na nasa akin Dapat di maging alipin Sa unos na dulot nila Di na 'ko hahamakin At aking lilisanin Ang lugar na madilim Dahil kasama na kita At di na mabigat ang krus na aking pasan Bigla nang gumaan Merong kahulugan Di na mahapdi Ang pako sa kamay Nabuhay na muli Ang puso kong patay Oras nang iwanan 'to Ika'y hinanap ko at nagtagpo Hanggang maging abo Ito'y pangako ko Hawak ko ang iyong kamay Sa buhay ko'y tanging gabay Hanggang maging abo Ito'y pangako ko Nag-iisa sa laban Walang tunay na pangalan Dulot ay kawalan At walang nais umintindi Di na mangangamba Wala nang nanaisin pa Sa bawat sandali Pananalig tumitindi Oras nang iwanan 'to Ika'y hinanap ko at nagtagpo Hanggang maging abo Ito'y pangako ko Hawak ko ang iyong kamay Sa buhay ko'y tanging gabay Hanggang maging abo Ito'y pangako ko Di mawawala sa isip ko Pinapangako ko ito Sisirain ang bawat harang Pagsasama na walang patlang Di pa to ang katapusan At di na mabigat ang krus na aking pasan Bigla nang gumaan Merong kahulugan Di na mahapdi Ang pako sa kamay Nabuhay na muli Ang puso kong patay Ako'y nakahawak sa iyong kamay Walang pagsisising ako ay naghintay Nakaukit sa 'kin ang pangalan mo Ako at ikaw hanggang maging abo Oras nang iwanan 'to Ika'y hinanap ko at nagtagpo Hanggang maging abo Ito'y pangako ko Tapos na ang paghihintay Dahil ika'y naging tulay Hanggang maging abo Ito'y pangako ko