Panalangin ko lamang sa inyo Dumadaloy pa ba ang dugo sa 'ting ugat Naghilom na ba ang sugat ng ating nakaraan? Ang bawat isa sa atin ay mandirigma Imperyo ng kadiliman ating magigiba Panalangin ko lamang sa inyo Wala sa 'ting banal Ito'y aking dasal At tayo'y magwawagi, hindi magagapi Hakbang patungong liwanag, sa bawat sandali Sapagkat tayong lahat ay lalong lumalakas Sandata'y puso't isipan, at hindi dahas Panalangin ko lamang sa inyo Wala sa 'ting banal Ito'y aking dasal 'Di tayo matitinag sa patalim ng kaaway Sa pagkagapos ng lungkot Sa hirap ng kalooban Sa pangil ng pagkapoot Sapagkat nanlilisik ang mata ng parating na panganib Katotohanan sa sarili matatagpuan Panalangin ko lamang sa inyo Wala sa 'ting banal Ito'y ating dasal Ating dasal