Nakakulong ngunit malaya Alipin ng kasarinlan Natali sa kamunduhan Wala na 'tong katapusan Sa atensyon ka nabubuhay Wala nang naiwang dangal Ang pagtanggap ng karamihan Ay may pangit na kakambal Sa rehas ka magdusa Kinalawang na paniniwala Matang puti, blangko ang kanyang tingin May malasakit pa ba sa sarili Nilulunok basag na salamin Wala kang ibang ginusto Kundi purihin nila Di mo namamalayan na Nagiging alipin ka na Sa atensyon ka nabubuhay Wala nang naiwang dangal Ang pagtanggap ng karamihan Ay may pangit na kakambal Alipin ka, wala nang iba Nakarehas ang kaluluwa Alipin ka, wala nang iba Nakarehas ang kaluluwa Alipin ka, wala nang iba Nakarehas ang kaluluwa Alipin ka, wala nang iba Nakarehas ang kaluluwa Kadena sa iyong leeg Di makakilos Sino ba talaga ang may gawa Ang may gawa ng pagdurusa mo Wala nang iba kundi ikaw Ika'y nasusunog unti-unti At ang kumpiyansa mo Kumpiyansa mo sa sarili Kinalawang na paniniwala Matang puti, blangko ang kanyang tingin May malasakit pa ba sa sarili Nilulunok basag na salamin Nakakulong sa silid na madilim Ng isipan mong kinakalawang na rin Na parang mga rehas na iyong kaharap Di mawari ang mga naganap Bakas ang lungkot sa iyong pagmumukha Alipin ka ng sariling sumpa