Nagpapasikat daig pa ang araw sa kalayuan Handa na ba na manood sa palatuntunan Sa tuwing merong parada maraming naloloko Puro imahe, walang mensahe Ang diyos na merong kulto Bulag-bulagan sumunod Mabuti ipapakita Andaming tagahanga akala mo artista Papirma naman ng lapida, walang kabuhay-buhay Garantisadong peke - hindi siya naging tunay Hanggang sa huli, tulog ang isip Maniniwala ba uli, nananaginip Sinungaling, sila Tayong lahat Impiyerno nanggaling, hindi na ko palilinlang Ano bang totoo? Mga sinungaling Boses namin lumalakas Sa galit nanggaling Mga salitang matamis Sa una lang masarap Dati pa kaming nagtitiis Lalamunang nagliliyab Hanggang sa huli, tulog ang isip Maniniwala ba uli, nananaginip Ano bang totoo? Mga sinungaling Boses namin lumalakas Sa galit nanggaling Dati pa kaming nagtitiis Lalamunang nagliliyab Huwag nang itikom ang mga bibig Oras na para marinig Sa bawat araw na namulat Galit ang nararamdaman Puro malatinidor ang mga dila Hindi na tayo tinatablan Sa pagpatak ng edad ng mortalidad Moralidad ko'y bumabagsak Tanging katotohanang alam ay sinungaling sila Sinungaling ka!