Nasasakal ka na Anong dapat kong gawin Masakit makita na iyong leeg May nakatutok na talim Minamahal kita, sa puso ko'y dala Sa tuwing nagpupumiglas, nasusugatan ka Sinasaktan, dinudusta Ang iyong pangalan Dinadala sa putikan Minamahal kong bayan Sa katunayan nga Mahirap kang mahalin Mahal pa rin kita Bayan kong inabuso ng mga salarin Mahirap mahalin Bansang nasasakdal Hangg't sila'y makapangyarihan Di tayo magtatagal Ang dati mong ganda, naglalaho na Inaabusong kapangyarihan May matitira pa ba? Hangga't may kamay na bakal Na sumusuntok sa kanyang dibdib Hangga't may mga dilang anghel Na may hilang garote sa kanyang leeg Alam kong marami sa'tin Ang pagod nang ipaglaban siya Sahuli kung walang kikilos Sama-sama tayong tutumba Ibalik ang kanyang ganda Di kami papayag Walang galang sa ama Di mo masasaktan Ang aming ina