Sinasakal ko ang anino ng nakaraan Hindi ko na alam kung sino ang aking susundan Sa bawat sulok may multo na hindi mapahinga Ang isip di mahiwalay sa hiwagang dulot niya Nakaraan ko'y nagmumulto Hanap ko'y katahimikan Gising lagi sa magdamag Para bang sinasapian Nakasalin ba ito sa libro Naisulat ng kapalaran Kapangyarhihan ba'y may kapalit Dapat bang pagbayaran At ang ikatlong mata ay binuksan Bulag sa katotohanan Kinain ang itim na mansanas Habambuhay paghihirapan Isang alipin ng sakit at galit Nasa balikat ang bigat Dinadalang kaban ng kalungkutan Tuluyang nanunumbat Kasalanan mo ito kaibigan Isa kang tunay na hangal Tunay na nagkakasala Ang madalas magdasal Nakaraan ko'y nagmumulto Hanap ko'y katahimikan Gising lagi sa magdamag Para bang sinasapian Sa bawat may sulok may multo na hindi mapahinga Ang isip di mahiwalay sa hiwagang dulot niya Nakaraan ko'y nagmumulto Hanap ko'y katahimikan Gising lagi sa magdamag Para bang sinasapian Nakasalin ba ito sa libro Naisulat ng kapalaran Kapangyarhihan ba'y may kapalit Dapat bang pagbayaran