Kishore Kumar Hits

ASOP - Sa Di Mabilang Na Tala şarkı sözleri

Sanatçı: ASOP

albüm: Asop Year 8


Kumikinang nangingibabaw
Sa ilaw mong dala'y sadyang napukaw
Damdamin ay nabihag mo
Liwanag mo'ng pumupuno
Ika'y busilak kumukutitap
Sa langit ay tila nagpapasikat
Sinasamsam ang iyong ganda
Dama'ng buntong hininga
Sadya bang ilaw mo'y iba
Sa puso ko ikaw ang nagdidikta
O sapat na bang kita'y sinasamba
Sa 'di mabilang na tala
Kislap mo ay litaw
Ako'y tunay na pinagpala
Pag-ibig ay ikaw
Sa dami ng bituin sa langit
Iisa ang iyong ningning
O natatangi ka sa 'di mabilang na tala
Minsa'y humihiling minsa'y nagpapaubaya
Pangako mo sa'ki'y wagas na ligaya
Panatag sa tanggulan mo
Ako'y iyong-iyo
Sadya bang ilaw mo'y iba
Sa puso ko ikaw ang nagdidikta
O sapat na bang kita'y sinasamba
Sa 'di mabilang na tala
Kislap mo ay litaw
Ako'y tunay na pinagpala
Pag-ibig ay ikaw
Sa dami ng bituin sa langit
Iisa ang iyong ningning
O natatangi ka sa 'di mabilang na tala
Nais kong malaman mo
Sa 'yo'y walang papantay
Kulang ang buhay ko
Sa buhay mong inalay
Binibigyang pugay ang ngalan mo
Sa 'di mabilang na tala
Kislap mo ay litaw
Ako'y tunay na pinagpala
Pag-ibig ay ikaw
Sa dami ng bituin sa langit
Iisa ang iyong ningning
O natatangi ka sa 'di mabilang na tala

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar