Kay dilim na naman ng ulap Paparating na ang hanging habagat May lungkot at lumbay na nararamdaman Tila nga ba walang katapusan May kaba mang nadarama sa 'king puso Takot ay nadaraig, naglalaho Oh Ama, nariyan Ka, aking makakaya Dahil 'di na muling mag-iisa Kahit pa bumuhos ang ulan Walang bakas ng karimlan Pag-ibig Mong hindi magwawakas Hangad ng kalooban Tunay ngang ako'y hindi Mo nilisan 'Pagkat natatanaw ang sikat ng araw Na sa tag-araw at tag-ulan Ay lagi Kang nariyan ♪ Oh Ama, sadyang kay hiwaga Ng alay Mong araw at ulan Aking nasaksihan ang Iyong kariktan Na kailanma'y 'di ako pinabayaan Kahit pa bumuhos ang ulan Walang bakas ng karimlan Pag-ibig Mong hindi magwawakas Hangad ng kalooban Tunay ngang ako'y hindi Mo nilisan 'Pagkat natatanaw ang sikat ng araw Na sa tag-araw at tag-ulan Ay lagi Kang nariyan Kahit saan, kahit kailan Ika'y masisilungan Ama, Ikaw ang aking tahanan Kahit pa bumuhos ang ulan Walang bakas ng karimlan Pag-ibig Mong hindi magwawakas Hangad ng kalooban Tunay ngang ako'y hindi Mo nilisan 'Pagkat natatanaw ang sikat ng araw Na sa tag-araw at tag-ulan Ay lagi Kang nariyan