Lumalakad nang mag-isa, inaakalang kaya ko na Dusa't lungkot lang ang nadama Tuwa't galak inaasam ng puso kong nagdaramdam Saan kaya ako nagkulang? Nang marinig ko ang pagtawag Mo Sa dating buhay, oh, Diyos, Iyong hinango Sa sala ko'y Iyong iniligtas Ng pag-ibig Mong walang hangga't wagas Sa awa Mo (sa awa Mo) ako'y umaasa (umaaasa) Makapiling Ka'y tangi kong ligaya Ngayo'y kasa-kasama na mga gabay Mong salita Liwanag ay aking nakita Salamat sa pagmamahal, ang puso ko'y sobrang saya Ikaw lang ay kumpleto na Nang tinanggap ang mga katuwiran Mo Sa aking buhay, ngayo'y nagpupuri sa 'Yo Sa sala ko'y Iyong iniligtas Ng pag-ibig Mong walang hangga't wagas Sa awa Mo (sa awa Mo) ako'y umaasa (umaasa) Makapiling Ka'y tangi kong ligaya ♪ Dinggin mo, Ama Tinig ng pagsinta Maglilingkod sa Iyo Nawa'y tanggapin Mo, oh Sa sala ko'y Iyong iniligtas Ng pag-ibig mong walang hangga't wagas Sa awa Mo (sa awa Mo) ako'y umaasa (umaasa) Makapiling Ka'y tangi kong ligaya (makapiling Ka) Sa sala ko'y Iyong hiniwalay Ng pag-ibig Mong dalisay at tunay Ang awa Mo (ang awa Mo), ang aking pag-asa (pag-asa) Sa paraiso Mo'y makapiling Ka, whoa Ikaw ang ligaya