Nagkulang ako sa pagsunod sa'Yo Hindi karapat-dapat sa kabanalan Mo Minsa'y naligaw na sa mundo Pero niyakap Mo, niyakap Mo ako Paulit-ulit nang nagkasala sa Iyo Naging isang bulag sa mga kabutihan Mo Gayon pa man Ika'y hindi nagsawa sa'kin Inibig Mo pa rin ako Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nagdadalamhati Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa pusong humihikbi Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nalilitong mundo Pag-ibig Ka, Oh Dios Tuwing ako'y nanghihina lalong nahahayag Ang Iyong kapangyarihang sa'ki'y yumayakap Biyaya Mo, Hesus, hindi mapapantayan Magpakailanman, magpakailanman Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nagdadalamhati Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa pusong humihikbi Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nalilitong mundo Pag-ibig Ka, Oh Dios Di mapapantayan dakilang pag-ibig Mo Na inalay Mo sa isang katulad ko Purihin Ka, Oh Dios, Aawit ako Ihahandog sa'Yo ng buong-buo Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nagdadalamhati Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa pusong humihikbi Pag-ibig Ka, Oh Dios, sa nalilitong mundo Yakapin Mo ako Pag-ibig Ka, Oh Dios Pag-ibig Ka, Oh Dios...