Overview Lyrics Videos Listen Main Results Hindi maiwasan ang buhay sa mundo Na gumagapang dahil sa pagsubok 'Di maiwasang mangamba hanggang sa luha'y pumatak Umiiyak nanginginig at natatakot (paraparap pa) Hindi malaman ang gagawin kaba ay nangunguna Minsa'y nawawalan tayo bigla ng pag-asa Ngunit ang Panginoon ay naghihintay lamang Na ikaw ay lilingon at tatawag Gabundok man ang pagsubok sa buhay Hindi dapat huminto sa paglalakbay Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan Paglingap niya ay wagas para sa lahat Minsan ang suliranin ay katulad ng bagyo Halos 'di mapigilan ang pagragasa nito Subalit maghintay lang ulan ay titila At ang araw ay sisikat dala ay biyaya Gabundok man ang pagsubok sa buhay Hindi dapat huminto sa paglalakbay Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan Paglingap niya ay wagas Magtiwala lang sa ating Maykapal Hindi dapat tayo panghinaan Bawat pangangailangan ay nakikita Niya May Dios tayo na nariyan at tutulong At tutulong Gabundok man ang pagsubok sa buhay Hindi dapat huminto sa paglalakbay Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan Paglingap niya ay wagas para sa lahat Gabundok man ang pagsubok sa buhay (gabundok man ang pagsubok) Gabundok man ang problema (hindi dapat huminto sa paglalakbay) Dios ay nariyan at kailanman 'di tayo iiwan Paglingap niya ay wagas para sa lahat