Kishore Kumar Hits

Adie - Paraluman şarkı sözleri

Sanatçı: Adie

albüm: Paraluman (Original Soundtrack From "The Vivamax Movie")


Sa unang tingin, agad na nahumaling
Sa nagniningning mong mga mata

Ika'y isang bituin na nagmula sa langit

Hindi ko mawari ang taglay mong tinatangi
Sadya namang nakakabighani
'Di maipaliwanag ang nararamdaman

Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay
Oh, Paraluman, ika'y akin nang
Dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan

Mga gunita na laging naiisip (naiisip)
Sumisilip (sumisilip) ang itinakda ng mahiwaga
Liwanag na dulot mo, nagbigay-sinag sa madilim kong mundo
Ibang-iba ako kapag ikaw na ang kapiling
Sumisiping ang buwan at mga bituin
Na para bang sumasang-ayon sa atin ang kalawakan (kalawakan)
Namumukadkad ang aking ligaya
Sa tuwing ika'y papalapit na
Hawakan mo ang aking kamay
Oh, Paraluman, ika'y akin nang
Dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso (paraiso)
Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita hanggang sa walang-hanggan
Pa-pa-para-pa-pa, para-pa-pa-para-Paraluman

Pa-pa-para-pa-pa, para-pa-pa-para-Paraluman

Pa-pa-para-pa-pa, para-pa-pa-para-Paraluman

Pa-pa-para-pa-pa, para-pa-pa-para-Paraluman

Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na
Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na
Himig ng tadhana
Sa atin ay tumutugma na

Oh, Paraluman, ika'y akin nang
Dadalhin sa 'di mo inaasahang paraiso

Palagi kitang aawitan ng Kundiman
'Di magsasawa, 'di ka pababayaan
Isasayaw kita, mamahalin kita
Hanggang sa walang-hanggan

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar