Kishore Kumar Hits

Clyde Ortencio - alon şarkı sözleri

Sanatçı: Clyde Ortencio

albüm: alon


Nagtataka paano ba maihayag ang nadarama

Kung ako'y isang hamak na binata at ika'y isang tala
Dagat lalanguyin; bukid lalakbayin
Nagtataka ilang milya pa ba ang aking bibilangin?
Tumaas man ang alon, di sumang-ayon
Sasalubungin ang lahat magalit man ang panahon
Sa tambalang atin di ka bibitinin
Araw hanggang gabi haharanahin
Libong araw hawak-hawak
Ang paru-paro dulot ng kisapmata pati mga ngiti mo
May nag-iisang tinakda para sa'yo paparating na ako
Gumuho man ang mundo
Dagat lalayagin; bukid aakyatin
Nagtataka ilang taon pa ba itong
Titiisin ang aking piling?
Tumaas man ang alon, di sumang-ayon
Sasalubungin ang lahat magalit man ang panahon
Sa tambalang atin di ka bibitinin
Araw hanggang gabi haharanahin

Ako'y alipin
Ika'y hangarin
Di na hihintay sa susunod na habang buhay
Oh sinta ako'y paparating na, wala kang magagawa
Tila pelikula na magtatapos sa ating dalawa
Dagat lalanguyin, bukid lalakbayin
Dagat lalayagin, balang araw magiging akin ka rin
Tumaas man ang alon, di sumang-ayon
Sasalubungin ang lahat magalit man ang panahon
Sa tambalang atin di ka bibitinin
Araw hanggang gabi haharanahin
Tumaas man ang alon, di sumang-ayon
Sasalubungin ang lahat magalit man ang panahon
Sa tambalang atin di ka bibitinin
Araw hanggang gabi haharanahin

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar