Lumipas na ang oras nandito parin ako, Nagbibilang ng luha na hindi natutuyo. Natulala at naliligaw sa aking isipan. Ang ala-alang aking binabalik-balikan. Pipikit na lang ako, Kailan ba ito hihinto? Sa bawat pag-sikat ng araw; Madilim na paligid ang natatanaw. Sa bawat pag-ikot ng mundo; Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo. Sumisigaw sapagkat walang nakakadinig, Nakatingin sa silwuta mong di umiimik. Nakahiga at nalulunod sa aking pagluha. Ang ala-alang ating di na malilimutan. Pipikit na lang ako, Habang ika'y lumalayo sa akin. Ang kwento natin ay lumilipas at umuulit Saglitang umiihip na parang hangin. Pag-sapit ng bukas ako ay umaasa muli, Na ikaw at ako ay muling magkatabi. Sa bawat pag-sikat ng araw; Madilim na paligid ang natatanaw. Sa bawat pag-ikot ng mundo; Ang mga bituin ay dahan-dahang lumalayo.