Kishore Kumar Hits

Maki - Gusto Ko Nang Bumitaw - R&B Version şarkı sözleri

Sanatçı: Maki

albüm: Gusto Ko Nang Bumitaw (R&B Version)


Umiiyak gabi-gabi, walang tinig na naririnig
Nakikipaglaban sa digmaan na talunan, hanggang kailan?
Talo na, pagod na, akala ko ika'y sa akin pa, pero hindi na pala
Wala na nga ba talaga?
Naglalagalag sa kadiliman, naliligaw, nalilito
Ano nga ba ako sa 'yo? Sino nga ba ako sa 'yo? Oh (sino ba 'ko sa 'yo?)
Dito sa aking pagkakahimlay, sa dibdib ko ay parang may nakadagan
Walang kasing lungkot, walang kasing sakit
Gusto ko nang bumitaw (bumitaw) ngunit ayaw pa ng puso (ayaw ng puso, whoa)
Gusto ko nang bumitaw, may pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili? Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, oh, hey, oh (sino nga ba ang pipiliin? Sino nga ba, ako ba o ikaw?)
Kung kalungkutan ko'ng kaligayahan mo, kung ang paggapos ko'y paglaya mo
Kung ang sugat sa puso ko'ng siyang lunas diyan sa puso mo, paano na ako?
Magpaparaya ba? Pa-papakawalan na lang ba kitang buo sa loob?
Pinanghihinaan na nang loob, ooh (yeah)
Gusto ko nang bumitaw pero ayaw pa ng puso, ooh
Gusto ko nang bumitaw, may pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili? Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, ah, ah
Gusto ko nang bumitaw, ah, ah
Humahagulhol, ngunit wala namang nakikinig
Walang magandang pupuntahan kailanman ang maling pag-ibig, oh
Kaya ngayon, pipiliin ko muna ang aking sarili bago magmahal muli
Magmamahalan pa kaya? Magmamahalan pa kaya tayong muli?
Gusto ko nang bumitaw
Hindi kita mabitawan
Mahal pa rin kita
Gusto ko nang bumitaw
Hindi kita mabitawan
Gusto ko nang bumitaw (bumitaw) pero ayaw pa ng puso (ng puso, oh, oh)
Gusto ko nang bumitaw, may pag-asa pa siguro
Kalaban ang sarili, sino ba'ng dapat pumili? Sino nga ba, ako ba o ikaw?
Gusto ko nang bumitaw, ah (sino nga ba ang pipiliin? Sino nga ba, ako ba o ikaw?)
Gusto ko nang bumitaw, ah, hmm (sino nga ba ang pipiliin? Sino nga ba, ako ba o ikaw?)
Gusto ko nang bumitaw
Hindi kita mabitawan
Mahal pa rin kita
Gusto ko nang bumitaw
Pipiliin na ang sarili
Bibitaw, bibitaw na

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar