Hmm yeah Ta-ra-ra, ta-da-da, na-na Hmm, yeah Oh, ilang kanta pa ang kailangan awitin Para maniwala ka, hindi ko nais mag-alay Ng walang katuturan? Walang pupuntahan Huwag kang titingin pa sa iba Ako na lang ang 'yong titigan at mahiga sa gitna ng ulan Ipapakita sa iyo ang aking mahika, huwag nang mag-alala Dahil ika'y isasayaw rin, sa ulap man o sa ilalim ng buwan At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan 'Di na masasaktan Oh, ilang luha pa ang kailangan na pumatak Para maisip mo ang 'yong halaga Na hindi nakikita ng iba? Kita naman kita Nais ko lang malaman mong 'di kailangang magduda Sa 'yong sarili, sa oras na ika'y nababalisa Aking ipapaalala, ika'y mahalaga Dahil ika'y isasayaw rin, sa ulap man o sa ilalim ng buwan At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan 'Di na masasaktan Huwag nang mag-alala, hmm Huwag nang mag-alala, ika'y mahalaga, ooh Dahil ika'y aking mamahalin, araw-araw ay pipiliin kita At kahit kailan, 'di magbabago ang nararamdaman Hanggang walang hanggan, oh Ika'y mahalaga At kahit saan, isisigaw ko ang 'yong pangalan 'Di na masasaktan Huwag kang mag-alala (huwag kang mag-alala), ika'y mahalaga Huwag nang mag-alala, hmm Huwag nang mag-alala, ika'y mahalaga Huwag nang mag-alala, hmm