Wala naman akong nais banggitin 'Di pag-uusapan lahat na nangyayari sa 'tin Pagkatapos akong lamunin at suyuin ng panahon Pati sa panaginip, 'di man lang huminahon Sadyang gusto ko lang naman tanungin Ang 'yong matang madalas nagsisinungaling Ang galing, parang kahapon lang, mahal mo ako Hindi inaasahang ganito ka magbabago Pero kahit gan'to (pero kahit gan'to) Naiisip mo man lang ba 'ko? Kasi kahit saan mapunta, hinahanap ko ang 'yong mukha't Baka biglang magkita pa tayo Sa Kyusi, sa UP Sa kalsada ng BGC Pagkalipas ng ilang taon Makikita mong walang tinapon 'Di ko binaon, bagkos tinanim Sa aking puso at isip No'ng gabing iniwan mo ako Habang-buhay na 'kong maghihintay sa 'yo Bumalik Bumalik sa 'kin Ang dami pa nating nais puntahan Mga plano natin na sumusuntok sa buwan Ngayon, siya na ang kasama mo kung saan-saan Saang banda nagkamali para iyong iwanan? Sa t'wing ako'y masaya (sa t'wing ako'y masaya) Naiisip pa rin kita At kahit sa'n ako mapunta, hinahanap ko ang 'yong mukha't Baka biglang magkita pa tayo Sa Kyusi, sa UP Sa kalsada ng BGC Pagkalipas ng ilang taon Makikita mong walang tinapon 'Di ko binaon, bagkos tinanim Sa aking puso at isip No'ng gabing iniwan mo ako Habang-buhay na 'kong maghihintay sa 'yo Bumalik Bumalik sa 'kin Sa museo ng Antipolo Sa MOA, o sa Maginhawa Nais kang makasama Saan ka?