Gising na Mare! Gising na Pare! Tawag ng kampanan sa simbahan Umpisa ng siyam huwag magkukulang Sa Simbang Gabing kinagisnan Magbalabal ka kahit sa tuwalya Kay lamig-lamig doon sa plaza Mare at Pare dapat mag-ingat Nang hindi kayo mapulmonya Simbang Gabi ugali ng Kristiyano Mas matanda sa aking lolo Alay ito sa Birhe't Santo Nino Dinadakila ang Pasko Tayo na mare! Tayo na pare! May nag-imbita sa Medya Noche Ang kamag-anak na may handaan Kahit kaunti ay 'yong pagbigyan Instruments Bagong Taon tayo'y mag Noche Buena May chocolate hamon de China Samantalang mayroong nagtutugtugan Walang humpay ang sayawan Ang mga bata sa kagalakan Nagsala-salabat sa lansangan May torotot na, may sombrero pa Pagsalubong sa Bagong Taon, Pagsalubong sa Bagong Taon... Pagsalubong sa Bagong Taon!