Nais kung lumipad tulad ng agila At lumutang lutang sa hangin Magkaroon ng pugad sa puso ng kagubatan Ngunit ito ay panaginip lang at maaring di matupad 'Pagkat ang kagubatan ay unti-unting nawawala Mga puno nito'y nangingibang bayan At 'pag walang puno wala na ring mapupugaran Kapag ang agila'y walang pugad Wala na syang dahilang lumipad Oh haring ibon, hari kung tunay Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay Kung nais mong makakita ng agila H'wag kang tumingala't tumitig sa langit 'Pagkat ang mga agila nitong ating bayan Ang iba'y nabihag na Ang natitira'y bihirang magpakita Tiniklop na nila ang kanilang mga pakpak Hinubad na nila ang kanilang mga plumahe At sila'y nagsipagtago sa natitirang gubat Ang lahi ba nila'y tuluyan ng mawawala Oh haring ibon, hari kung tunay Nais kung tumulong ng kaharian mo'y muling mabuhay