Kishore Kumar Hits

Edith M. San Pedro - Sama-Samang Magpupuri şarkı sözleri

Sanatçı: Edith M. San Pedro

albüm: Pupurihin Ka Sa Awit


Pinupuri Ka, Yahweh, nitong aking kaluluwa
Ikaw na aking Diyos, kay dakila Mong talaga
Lahat ng may buhay ay magbigay-pugay
Purihin ang makapangyarihang Diyos kailan pa man
Sama-samang umawit
Sama-sama
Sama-sama
(Sama-samang sumamba, sama-samang pumasok sa Kanyang presensiya)
Oh, kay gandang pagmasdan, tayo'y nag-aawitan
Pumapasok sa tahanan N'yang may kagalakan
At doon ay nagpupuri, walang hanggang kasiyahan
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man

Sama-sama
Sama-sama
Oh, kay gandang pagmasdan, tayo'y nagmamahalan
Nananahan sa pag-ibig N'yang sadyang wagas
At sama-samang nagpupuri, walang hanggang kasiyahan
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man
Hallelujah, ito na nga ang pinakamainam na pagkakataon
Ang tayo'y nagkakaisang sama-samang itinataas ang ating Panginoong Hesus
Sa ating pagpupuri, pag-aawitan at pananatili sa Kanyang pagmamahal
Sapagkat pinananahanan N'ya ang ating pagsamba, kaya't patuloy tayong
Sama-sama
Sama-sama
Oh, kay gandang pagmasdan tayo'y nag-aawitan
Pumapasok sa tahanan N'yang may kagalakan
At doon ay nagpupuri, walang hanggang kasiyahan
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man
Sama-samang nagpupuri, walang hanggang kasiyahan
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man
(Sama-samang magpuri, hallelujah, whoo)
Sama-samang nagpupuri, walang hanggang kasiyahan
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man
Sa Diyos na nabubuhay magpakailan pa man, sama-sama

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar