Bumangon ka, hawiin mo na Mga ulap at kurtina Ng madilim mong planeta Hindi na makahinga 'Di matawagan, di makamusta 'Di na makilala Sa kawalan mong de kanto Languyin mo ang dulo Iinog parin ang mundo Mga tala'y magkakalayo Buksan ang pinto ng silid at puso Napakaraming demonyo Pero 'dito lang ako Tahan na't hawiin ang pinaglumaan na kurtina Ng planeta mong sa liwanag laging kinakapos Hayaan sanang tumagos sa kalawakan ang oras Sa mga oras na tayo'y nagpapalitan ng haplos Palutang lutang sa wala, ngunit punuan sa loob Pulso mo at pulso ko'y iisa lamang ang kutob Papuntang rutang di mawaring may dala dalang unos sa giyera ba'y laging lunod Payapa ang kalalabasan ng mangyayareng kasunod pangako ko sayong Iinog parin ang mundo Mga tala'y magkakalayo Buksan ang pinto ng silid at puso Napakaraming demonyo (Delubyo, malignong rebulto, anino't misteryo) Pero dito lang ako Kung nalulungkot, natatakot Nalulunod sa laot ng luha at limot 'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod 'Wag kang papatalo Kung nalilito isip at puso Walang taong perpekto, sadyang walang preno Mga galos, insulto, sakit, pagkatalo Pero mahal kita buong buo Haaaaaaaaa Kung nalulungkot, natatakot Nalulunod sa laot ng luha at limot 'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod 'Wag kang papatalo, 'dito lang ako Bangon na't sabay nating tuklasin Ang kometang paparating sa madilim mo na planetang Nakapaloob ma'y sangkaterba nating ala ala Lamo namang nakakayamot pa na isuot tong mga luha dahila'y 'Di kana matawagan, hindi makamusta, malabo nang makilala mo pa 'Ko sa nabuo nating kawalan, nilangoy ko hanggang dulo Dekada man o siglo, mag hihintay na pagbuksan mo'kong muli. Iniwan na tayo nila 'Di ko makakayang ika'y mawala Buksan ang pinto ng silid at puso Napakaraming demonyo (Delubyo, malignong rebulto, anino't misteryo) Pero dito lang ako Kung nalulungkot, natatakot Nalulunod sa laot ng luha at limot 'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod 'Wag kang papatalo Kung nalilito isip at puso Walang taong perpekto, sadyang walang preno Mga galos, insulto, sakit, pagkatalo Pero mahal kita buong buo Haaaaaaaaa Kung nalulungkot, natatakot Nalulunod sa laot ng luha at limot 'Wag kang papaanod, wag kang mapapagod 'Wag kang papatalo, dito lang ako Bumangon ka, hawiin mo na Mga ulap at kurtina Ng madilim mong planeta Hindi na makahinga Buksan ang pinto ng silid at puso Napakaraming demonyo Pero 'dito lang ako