Titila pa ba ang ulan Mula sa mga matang Ayaw nang ngumiti o dumilat pa Tumitibok pa ba? Tumitibok pa ba ang puso mo? Heto ka na naman at mag-isang Sinasariwa ang matatamis na Alaala ng kahapon na Hindi na maibabalik 'Di na maibabalik pa "Mahal, hihintayin kita!" Heto ka parin at umaasa Sa mga pangako na Kalian ma'y 'di na mangyayari pa, ahhhhh-ohhhh-oooh Hindi mapakali sa tuwing Maririnig ang bawat pintig at letra Sa pangalan n'yang hindi na malilimutan pa 'Di na malilimutan pa, ahhhhh-oooh Heto ka na naman at mag-isang Sinasariwa ang matatamis na Alaala ng kahapon na Hindi na maibabalik 'Di na maibabalik pa "Mahal, hihintayin kita!" Heto ka parin at umaasa Sa mga pangako na Kailan ma'y 'di na mangyayari pa, ooooh Oh, bakit sabik ka pang masaktan Kahit na tila wala nang dahilan? 'Wag nang magmukmok Bumangon ka riyan Bukas ay harapin Hindi ka talunan! Titila rin ang ulan Titila rin ang ulan Titila rin ang ulan, hmmm Mahal, ako'y bibitaw na Sa mga pangako nating dal'wa At kung magbabalik ka pa Sana ay mahal parin kita, ahh-ohhhh-oooh