Kapeng aking tinitimpla, lagi ngayong lumalamig 'Di ko malaman kung kulang sa tamis Tasang walang kibo, sa 'ki'y nakatitig Ako't siya'y naghihintay masagi ng iyong bibig Buhok na mahaba, iniingat-ingatan mo Noong isang linggo'y pinaputulan mo ito Marahil ay pagod lamang ang aking isipan At 'di ko napansin at hindi pinutulan Huwag kang mag-alala, 'di ako iiyak 'Di magdaramdam kahit na gapatak Pag-ibig na minsan na ating dinanas Sa tulad kong putik, tama na at sapat ♪ Pintong dati-rati'y bukas sa aking pagdating Ngayo'y nakasara at panangga sa hangin Kung ako ay dumalaw at ito ay katukin Kahit mahina pa, sana ay 'yong sagutin Kay linis ng silid, walang nagkakalat Medyas at sigarilyo'y walang naghahanap Sanggol na nasanay, nasanay sa ama Ngayo'y natutulog kahit nag-iisa Huwag kang mag-alala, 'di ako iiyak 'Di magdaramdam kahit na gapatak Pag-ibig na minsan na ating dinanas Sa tulad kong putik, tama na at sapat Huwag kang mag-alala, 'di ako iiyak 'Di magdaramdam kahit na gapatak Pag-ibig na minsan na ating dinanas Sa tulad kong putik, tama na at sapat Sa tulad kong putik, tama na at sapat