Kishore Kumar Hits

Chocolate Factory - Pag-asa şarkı sözleri

Sanatçı: Chocolate Factory

albüm: Chocolate Factory


Laman ng isipan
Nabubusog ako tuwing ikaw ay nasisilayan
Pinuno mo ng kulay at ng liwanag ang buhay
Ngayon nahihirapan sa'yong biglang paglisan
Gabi-gabing nangungulila
Araw-araw ay lumuluha
Kahit na ano pa ang mangyari
Asahan mong ako'y nandito lang
Kahit na ako'y magmukhang tanga
Maghihintay pa rin sa'yo, sinta
Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko, sinta
Maghihintay pa rin, lahat ay gagawin
Laging inaasahan
Sa paglipas ng araw, ika'y muling matatanaw
Halik at mga yakap mo ang hinahanap-hanap
Hangganan ng pag-asa'y aking pinapangarap
Gabi-gabing nangungulila
Araw-araw ay lumuluha
Kahit na ano pa ang mangyari
Asahan mong ako'y nandito lang
Kahit na ako'y magmukhang tanga
Maghihintay pa rin sa'yo, sinta
Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko, sinta
Maghihintay pa rin, lahat ay gagawin
Oo, masakit ang umasa sa wala
Pero para sa'kin mas masakit kung tuluyan ka nang mawawala
'Pagkat magmula ng mawala ka, sa sarili parang nawala na
Gustuhin ko man na magwala, alam kong wala nang magagawa pa
Tiwalang pinagkatiwala mo sa'kin ay nawala na
Nauwi sa wala, magmula nang nawalan ka ng gana
Tila ba balewala na ang lahat nang kumawala ka
Pero sa gitna ng kawalan ay 'di nawalan ng pag-asa
Na magsasama pa tayong muli, tayo uli, sana 'di pa huli
Na maituwid ang aking mali, na maibalik ang dating ngiti
Ng labi mo, 'yan ang nais ko, patawad kung sa tingin mo'y labis 'to
Pero wala na'kong iba pang ginusto nang husto bukod sa iyo
Ano man ang sabihin nila, kahit mukha ng tanga
Alam mong nag-iisa ka, 'di ka dapat mag-alala, 'di na 'to mag-iiba pa
Ikaw ang laman, ikaw lang naman, lagi mo yang tatandaan
Handang patunayan tunay na pag-ibig kahit kung muling pagbibigyan
Kahit na ano pa ang mangyari
Asahan mong ako'y nandito lang
Kahit na ako'y magmukhang tanga
Maghihintay pa rin sa'yo, sinta
Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko, sinta
Maghihintay pa rin, lahat ay gagawin
Alalahanin mo sana ang pag-ibig ko, sinta
Maghihintay pa rin, lahat ay gagawin
Oooh, whoa, yeah
Whoa, yeah
Whoa, yeah
Ikaw ang laman (ikaw lang naman)
Ikaw ang laman (lagi mong tatandaan)
Ikaw ang laman ('di na pakakawalan)
Ikaw ang laman (pangako ko sa'yo 'yan)
Ikaw ang laman ('di ka mapapalitan)
Ikaw ang laman (sana'y lagi kang nand'yan)
Ikaw ang laman (kahit na nasa'n ka man)
Ikaw lamang

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar