Ito ang araw na inantay mo nang kay tagal Buhat no'ng ikaw ay natutong magmahal Nasaktan at nabigo, lumuha at natuto Na ang pag-ibig nga pala'y hindi isang laro Sa milyon-milyon na tao dito sa mundo Ay may nag-iisang nakalaan para sa 'yo S'ya rin ang dahilan ba't mga dating sininta Ay hindi ipinagkaloob sa 'yo ng tadhana Saksi ngayon, ating mga pamilya't kaibigan Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa 'kin Sa saliw nitong tugtugin Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan Aking makakasama sa magpakailanman Ang pag-ibig na hinanap ko nang kay tagal Nahanap din kita, bigay sa 'kin ng Diyos na lumikha ♪ 'Di mailalarawan ng kahit anong salita Wala ngang sino man ang papantay sa 'yong ganda Napapailing na lang, ba't mo ako nagustuhan Piniling makasama, oh, ang swerte ko naman Kaya pangako ko, mula sa araw na ito Sa bawat pag-idlip at sa bawat gising mo Ay sisikapin kong kailanma'y 'di magwawakas Ang ngiti't ligaya ng iyong mga bukas Saksi ngayon, ating mga pamilya't kaibigan Sa harap ng ating Diyos na makapangyarihan Dahan-dahan kang naglalakad patungo sa 'kin Sa saliw nitong tugtugin Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan Ikaw nga ang babaeng aking papakasalan Tan-ta-na-nan, tan-ta-na-nan Aking makakasama sa magpakailanman Ang pag-ibig na hinanap ko nang kay tagal Nahanap din kita, nahanap din kita Ikaw pala, sinta, ang bigay sa 'kin ng Diyos na lumikha