Bubuksan ang TV at hahanap na mapapanood 'Pag walang mahanap magpi-PS3 na lang ako 'Pag nabagot magluluto ng kahit ano Kahit hindi nagugutom ay kakain ako Maibsan lamang ang kalungkutan ko Tatawagan ang kaibigan at magbabakasakali ako Na wala silang mga lakad at masasamahan nila ako Kung hindi sila pu-pwede, i-gitara na lang Susubukan ko na lang ang magsulat ng kanta Maibsan lamang ang kalungkutang dulot ng aking pag-iisa, ah-ah Dahil isang taon na rin pala ang lumipas Buhat ng tayo'y maghiwalay At hindi pa rin ako sanay na wala ka Tatlong daan animnapu't limang gabi Ito ang ating breaksary ♪ 'Di ko rin naman kailangan maghanap ng bagong kasintahan 'Yan kasi ang laging payo sa 'kin ng aking mga kaibigan 'Di ko rin iniisip makipagbalikan sa 'yo Ang kailangan kong ayusin ay ang aking mundo Maibsan lamang ang kalungkutang dulot ng aking pag-iisa, ah-ah Dahil isang taon na rin pala ang lumipas Buhat ng tayo'y maghiwalay At hindi pa rin ako sanay na wala ka Tatlong daan animnapu't limang gabi Ito ang ating breaksary Ang hirap pala nang mag-isa Nasanay kasing nand'yan ka ♪ Dahil isang taon na rin pala ang lumipas Buhat ng tayo'y maghiwalay At hindi pa rin ako sanay na wala ka Tatlong daan animnapu't limang gabi Ito ang ating, ito ang ating Oh, isang taon na rin pala ang lumipas Buhat ng tayo'y maghiwalay At hindi pa rin ako sanay na wala ka Tatlong daan animnapu't limang gabi Ito ang ating, ito ang ating Ito ang ating breaksary