Dalawang silya at isang mesa Dalawang kaluluwang ikinukuwento ang kani-kanyang istorya May tig-isang tasa, unti-unting kinikilala ang bawat isa 'Yan lang naman ang nais kong magawa Ang dahilan kung bakit nais kang makasama Kaya isinulat ko ang kantang ito Upang ipahayag at ipaliwanag ang malinis na hangaring Gusto ko lang lumalim ang pagkakakilala ko Sa babae na hindi lang aking mata pati puso ko'y nahuli 'Wag mo sanang mamasamain Hinding-hindi ko sinasabing iyong madaliin Baka lang sakaling biglang magbago ang 'yong isip Pumayag ka't saluhan ako sa isang tasang kape, eh-eh Baka pwedeng kahit sandali makasama kitang magkape, eh-eh 'Di na baleng kahit sa'ng parte ng mundo, basta't kasama kita Nais lamang makilala ka pa, sana nga pumayag ka na Ikaw na'ng may sabi, 'di ka komportable Kasi you've never been on a date before At 'di ka rin sure kung mapagkakatiwalaan mo ba ang isang tulad ko Hayaan mong sabihin ko sa iyong 'di ko inaasahan na magustuhan mo ako Nais ko lang malaman kung ano ba'ng mayro'n sa 'yo At ako'y napapanata sa Diyos Hiniling na sana mabigyan ng pagkakataong makilala ka't magkape, eh-eh Baka pwedeng kahit sandali makasama kitang magkape, eh-eh 'Di na baleng kahit sa'ng parte ng mundo, basta't kasama kita Nais lamang makilala ka pa, sige na, pumayag ka na Ayoko lang naman ang manghinayang Pagsisihan na 'di ko sinubukang makilala ka't Makilala mo rin ako at kung mangyayaring magustuhan mo Do'n natin simulan ating kuwentuhan sa isang tasang kape, eh-eh Baka pwedeng kahit sandali makasama kitang magkape, eh-eh 'Di na baleng kahit sa'ng parte ng mundo, basta't kasama kita Nais lamang makilala ka pa, sige na, pumayag ka na, woah-ooh Sige na, oh, please naman, pumayag ka na