Kishore Kumar Hits

Davey Langit - Huwag Nang Magsulat Ng Kanta şarkı sözleri

Sanatçı: Davey Langit

albüm: Huwag Nang Magsulat Ng Kanta


Maghanap na lang kaya ako ng ibang trabaho?
Buwanang sahod na sigurado
Nine-to-five na empleyado, teller do'n sa bangko
May SSS, Pag-IBIG, samu't saring benepisyo
Magnegosyo na lang kaya ako ng isda?
Magbukas na lang ng panaderya?
Huwag nang magsulat ng kanta

'Pag nagkagano'n, hindi ko na poproblemahin
Ang Youtube hits o Spotify streams
'Di na mababahala kung hindi man 'to kumita
'Di na mababalisa kung ang ticket, 'di mabenta
Mag-aya sa show, wala namang magsisipunta
Iisa'ng lamesa, nanay ko pa
Huwag nang magsulat ng kanta (kanta)
Oh, para bang wala namang mapapala
Ah, hanggang kailan ako magbabaka-sakaling
Ako naman ang 'yong pakinggan?
Sabi nga ng tatay ko, "Maganda 'to, gawin mo lang s'yang hobby
Huwag mo nang masyadong career-in"
Tutal naman, tapos ako, pwede ko daw magamit
Diploma, biodata ko, ipasa ko sa JobStreet
Kaysa gastusan ko ang recording nito
Hindi naman maganda 'tong kantang 'to
Huwag nang magsulat ng kanta
Instrumental na may sipol

Ba't ba ako nagsusulat ng kanta? (Kanta)
Oh, tinanggap ko na ang katotohanan na
Ako'y 'pinanganak upang umawit
Maggitara, magkuwento, magsulat ng kanta
At akin ngang napagtanto sa modulation na ito
Hindi ko kailangan ng ibang trabaho
Alam ko na ito mula no'ng bata pa ako
Kahit mahirap, gagawin ko 'to hanggang sa pagtanda ko
Alam kong 'di ako ang pinakamagaling
Pero gagawin ko pa rin
Magsusulat ako ng kanta (pasasaan ba?)
Magsusulat ako ng kanta (tuloy-tuloy lang)
Magsusulat ako ng kanta, whoa-oh-oh
Magsusulat pa rin ako ng kanta

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar