Nararamdaman kong muling magbabalik Sa aking gunita ang iyong pag-ibig Ngunit kung hanapin ko ang datihang tamis Kahit sa pangarap ay 'di na masilip Nararamdaman kong sa aking gunita Ay muling bumabalik ang araw ng tuwa Ngunit kung hanapin ko ang suyo't kalinga Ay tila aninong dagling nawawala ♪ Magbalik ka sana, magbalik ka, hirang Dati kong pag-asa'y 'di pa namamatay At sa pagbalik mo ay iyong daratnang Puso mo't pag-ibig ang nalalarawan Puso mo't pag-ibig ang nalalarawan ♪ Dati kong pag-asa'y 'di pa namamatay At sa pagbalik mo ay iyong daratnang Puso mo't pag-ibig ang nalalarawan Puso mo't pag-ibig ang nalalarawan Puso mo't pag-ibig ang nalalarawan