Ang loob noo'y namimigat Ligaya'y lagi nang anong ilap Ngunit buhat nang ibigin ka Nalunasan ang iniinda Kaya nga't uulitin ko Ang buhay ko'y iyong-iyo 'Di batid saan magwawakas Landas na itong ngayo'y tinatahak Ngunit bakit ba magtatanong May iba kayang mahahantong? Kung isasaisip mong Ang buhay ko'y iyong-iyo Kung kinabukasan 'Di kasingtamis ng nagdaan Dati nang ligaya'y 'Di ba't maaaring mahiram 'Di batid saan magwawakas Landas na itong ngayo'y tinatahak Ngunit bakit pa magtatanong May iba kayang mahahantong? Kung isasaisip mong Ang buhay ko'y iyong-iyo Iyong-iyo