Walang hindi dumanas ng pagsubok Wala ring puso na hindi dumanas ng kirot Ligaya na walang hanggan Kalungkutan ang bumabalot Ang buhay ay yugto- yugto At 'di natatapos Sa palad mo inatang ang walang kasing bigat Dugo ang pawis na naging sukli at katumbas Walang kasing dakila ang mithiin mo't pangarap Isang huwaran na walang katulad Ngayon ang panahon Hayaan mong purihin ka Nitong buong mundo 'pagkat ika'y naiiba Kahit lumipas ang bawat gabi Maging bawat umaga Sa aming puso ay mananatili ka Handog nami'y isang pasasalamat Dakila ka't walang katulad sa lahat Ikaw ang nagsilbing gabay Ikaw ang nagsilbing lakas Nang ang pag-asa'y 'di tuluyang magwakas Handog nami'y walang hanggang papuri Sa aming puso ay mananatili At sa mundo'y isisigaw Walang iba kundi ikaw Ikaw sa bayan ko na siyang tanglaw Sa palad mo inatang ang walang kasing bigat Dugo ang pawis na naging sukli at katumbas Walang kasing dakila ang mithiin mo't pangarap Isang huwaran na walang katulad Ngayon ang panahon Hayaan mong purihin ka Nitong buong mundo 'pagkat ika'y naiiba Kahit lumipas ang bawat gabi maging bawat umaga Sa aming puso ay mananatili ka Handog nami'y isang pasasalamat Dakila ka't walang katulad sa lahat Ikaw ang nagsilbing gabay Ikaw ang nagsilbing lakas Nang ang pag-asa'y 'di tuluyang magwakas Handog nami'y walang hanggang papuri Sa aming puso ay mananatili At sa mundo'y isisigaw Walang iba kundi ikaw Ikaw sa bayan ko na siyang tanglaw Handog nami'y walang hanggang papuri Sa aming puso ay mananatili At sa mundo'y isisigaw Walang iba kundi ikaw Ikaw sa bayan ko na siyang tanglaw At sa mundo'y isisigaw Walang iba kundi ikaw Ikaw sa bayan ko Na siyang tanglaw