Sa pagdating ng bukas ay katabi pa kaya kita? Sa pagsikat ng araw, totoo pa kaya ang sumpa Na ang pagmamahalan, lalong maging lubusan At sa hirap o saya, ika'y 'di mag-iiba Sa pagdating ng bukas, lalo pa ring tatamis kaya Ang 'yong pananalita at mga pagsuyong kay ganda At aasahan ko ba na laging kaakbay ka Ano man ang siyang dala ng ating kapalaran Tadhana Huwag na huwag kang magbago, giliw ko Ang buong buhay ko'y nakasalalay sa 'yo Sa pagdating ng bukas, higit na mamahalin kita Sa bawat bagong araw, lalong titibay itong sumpa Na ang pagmamahalan, lalong maging lubusan At sa hirap o saya, ako'y 'di mag-iiba Buong buhay ko'y sa' yo, sinta Sa pagdating ng bukas