Hindi ko man kayang ibigay ang daigdig Hindi ko man kayang ihandog ang langit Ang tanging alay ko, sana'y tanggapin mo Ay ang tunay na pagmamahal ko ♪ Kun' 'di sapat ang awit at tula na alay ko Kun' 'di sapat ang aking pagsinta't pagsuyo Tanging hiling ko, sana'y pakinggan mo Ay ang tunay na pagmamahal mo Walang ibang hinihiling at dinadalangin Kun' 'di ang makasama ka sa habang-buhay Ngayon, ako'y naririto, nagsusumamo at naghihintay ng pag-ibig mo ♪ Walang ibang hinihiling at dinadalangin Kun' 'di ang makasama ka sa habang-buhay Ngayon, ako'y naririto, nagsusumamo at naghihintay ng pag-ibig mo Kun' 'di sapat ang awit at tulang alay ko Kun' 'di sapat ang aking pagsinta't pagsuyo Ang tanging hiling ko, sana'y pakinggan mo Ay ang tunay na pagmamahal mo