Ikaw, ikaw ang ligaya sa buhay Ikaw ang pag-ibig kong tunay Ikaw ang sa 'king mundo'y nagbibigay kulay Ikaw, ikaw ang tibok nitong puso Laging hanap ang 'yong pagsuyo Dasal ko sana'y 'di tayo magkalayo Ikaw at ako, tayo'y magmamahalan Habangbuhay, hanggang kailan pa man Pag-ibig natin ay wagas at dalisay Tunay at tapat at walang kapantay Ikaw, ikaw ang tangi kong kailangan Sa piling nang aking kandungan Hayaang ikaw ay aking paglingkuran Ikaw at ako, tayo'y magmamahalan Habangbuhay, hanggang kailan pa man Pag-ibig natin ay wagas at dalisay Tunay at tapat at walang kapantay Sikapin nating abutin ang ating mga pangarap 'Di tayo susuko kahit na tayo'y maghirap Patibayin natin ang dalawang pusong nagmamahalan Lahat sa buhay ko'y ikaw lamang hirang ♪ Ikaw at ako, tayo'y magmamahalan Habangbuhay, hanggang kailan pa man Pag-ibig natin ay wagas at dalisay Tunay at tapat at walang kapantay