Kishore Kumar Hits

Marco Sison - Hindi Ko Akalain şarkı sözleri

Sanatçı: Marco Sison

albüm: Hindi Ko Akalain


Lumang palitan at ang presidenteng artista
Ang langit at ang buwan ay inabot na
Sulat ay 'di na uso
Text na lang sa 'yong telepono
Panay na ang abante ng tao
Isang minuto lang
Mayro'n ka ng kapeng mainit
Ang plaka't pelikula'y maliit na
'Di na nagugulat sa nababasa ko sa dyaryo
Araw-araw tuloy nagbabago
Pero hindi ko akalain
Na nando'n pa rin
Ang dati kong damdamin
No'ng ikaw ay sa 'kin
Nando'n pa rin ang paghinto
Tibok ng aking puso sa tuwing malapit ka sa'kin
Hindi ko akalain na walang nagbago
Sa dati kong hangarin
Na buong buhay ko kasama ka gabi't araw
Hanggang mundo ay magunaw
Lagi tayong dal'wa pa rin
Sa internet na lang naghahanap ng kaibigan
May kotse na'ng hindi naliligaw
Litrato mo ngayon ay pwedeng magmukhang artista
Kahit ano'y nareretoke na
Kahit wala kang boses
Pwedeng maging sikat na singer
Pangong ilong napapatangos na
Mga katotohanan ang hirap ng paniwalaan
Sana'y na 'kong lagi nalilinlang
Pero hindi ko akalain (hindi ko akalain)
Na nando'n pa rin
Ang dati kong damdamin (dati kong damdamin)
Ikaw ay sa 'kin (ikaw ay sa 'kin)
Nando'n pa rin ang paghinto (pa rin ang paghinto)
Tibok ng aking puso sa tuwing malapit ka sa'kin (ng aking puso)
Hindi ko akalain na walang nagbago (hindi ko akalain)
Sa dati kong hangarin (dati kong hangarin)
Na buong buhay ko kasama ka gabi't araw (sa gabi't araw)
Hanggang mundo ay magunaw (mundo ay magunaw)
Sana tayong dal'wa pa rin
Hindi ko akalain
Hindi ko akalain, hmm
Hindi ko akalain

Поcмотреть все песни артиста

Sanatçının diğer albümleri

Benzer Sanatçılar