'Di ba't ang tao nang isilang Siya'y walang bahid ng kasalanan Wala ni saplot ang kanyang katawan Walang 'sing gandang pagmasdan At siya'y lumaki at nagbago Natutong kasalana'y maitago Naging 'di tapat maging sa kanyang puso Naging talusira sa pagsuyo At lumakad ka Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw Ang pagkakasala bayaan mabilad sa init ng araw Ikaw ay humingi at 'di siya hihindi, ika'y patatawarin Ika'y tao lamang din mahina, matuksuhin Ako'y isang tao rin nagkasala Nalihis sa landas ng pag-asa Ipaubaya ninyo na lumakad din ako Na isang hubad sa mundo At lumakad ka Lumakad kang hubad sa mundong ibabaw Ang pagkakasala bayaan mabilad sa init ng araw Ikaw ay humingi at 'di siya hihindi, ika'y patatawarin Ika'y tao lamang din mahina, matuksuhin Ako'y isang tao rin nagkasala Nalihis sa landas ng pag-asa Ipaubaya ninyo na lumakad din ako Na isang hubad sa mundo Na isang hubad sa mundo